Friday, September 23, 2011

Mataas na singil sa kuryente sa bansa, iprinotesta ng mga negosyante at manggagawa


Posted: 7:44 PM  09/23/2011
Nagsanib-pwersa ang mga negosyante, academe at manggagawa para kalampagin ang gobyerno sa mataas na singil sa kuryente.

Sa joint statement ng mga negosyante, Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at Foundation for Economic Freedom (FEF).

Kulang daw sa aksyon at direksyon ang gobyerno kung paano solusyunan ang mahal na singil sa kuryente.

Ayon kay David Chua, pangulo ng Philippine Steelmakers Association, kailangan nang pababain ang singil sa kuryente.

Sinabi naman ni Francis Chua, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), huwag nang itaas pa ang kasalukuyang power rate na pinakamahal na sa Asya.

Babala naman ng TUCP, hihirit sila ng umento sa sweldo kapag tumaas pa ang singil sa kuryente.

Inihayag ni TUCP Partylist Representative Raymond Democrito Mendoza na hindi lang negosyo ang apektado kundi pati ordinaryong manggagawa dahil P1,200 hanggang P1,400 ang nakakaltas sa kanilang sweldo para ipambayad sa kuryente.

Pero depensa ng Department of Energy (DOE), inaayos na nilang dumami pa ang mga planta para lumakas ang suplay, wala nga lang silang kontrol sa presyuhan ng kuryente. Report from Alvin Elchico, ABS-CBN News


http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/17556/Mataas-na-singil-sa-kuryente-sa-bansa-iprinotesta-ng-mga-negosyante-at-manggagawa.aspx

No comments:

Post a Comment